Pagiwas

'di ko akalain
na panandalian lamang ang madarama
na kasiyahan
sa tuwing makakapiling ka
bakit ganito
biglang nagbago ang lahat
ang dati kong tuwa
nabalot na ng mga luha
pilitin ko man
na ito'y hindi isipin
bumabalik pa rin

sa pag-iwas mo
ikaw pa rin hanaphanap
ng damdamin kong ito
kahit na ako'y nasasaktan
at sa 'yong paglayo
sana naman ay marinig
ang panalangin kong ito
na muli kang bumalik

di ko maiwasan
na 'di isipin ang ngiti sa iyong mukha
na nagbibigay ng kulay
sa bawat araw na makakasama ka
ngunit ngayon
biglang nagbago ang lahat
'pag nakikita ka
lungkot na ang nadarama
ano bang gagawin
para lang maibalik
ang lahat ng ito sa dati

sa pag-iwas mo
ikaw pa rin hanaphanap
ng damdamin kong ito
kahit na ako'y nasasaktan
at sa 'yong paglayo
sana naman ay marinig
ang panalangin kong ito
na muli kang bumalik

kung babalik ka man
ako'y maghihintay pa rin
kung babalik ka man
asahang ako'y di aalis
kung babalik ka man
pag-ibig ay para pa rin sa'yo
kung babalik ka man
mamahalin mo na ba ako

sa pag-iwas mo
ikaw pa rin hanaphanap
ng damdamin kong ito
kahit na ako'y nasasaktan
at sa 'yong paglayo
sana naman ay marinig
ang panalangin kong ito
na muli kang bumalik

No comments:

Post a Comment